Sunday, November 24, 2024

Sulatin Bilang 1: Tagumpay na Makakamit


 Tagumpay na Makakamit



"Kabataan ang Pag-asa ng bayan" ani ni Dr. Jose Rizal, paano nga ba tayo magiging pag-asa ng bayan? Sa Pag-aaral? Pagtatapos ng may karangalan? Sa pagtratrabaho? O sa pag aalay ng buhay para sa bayan? Bilang kabataan tungkulin kong mag-aral nang mabuti, hindi lang sa ikauunlad ko pati na rin ng bayan. Sabi nila ang edukasyon ang susi sa magandang kinabukasan, ngunit paano ito makakamit kung maraming hadlang at masamang impluwensya? Bata pa lamang ako ay sinasabi na sa akin na ang pinakamagandang maipapamana sa iyo ng iyong magulang ay ang edukasyon. Ang edukasyon ay magbibigay sayo ng kaaalaman, kasanayan at magiging daan tungo sa magandang buhay 

Ipagpapatuloy pa ba ang aking pag-aaral? Kailangan ko ipagpatuloy ang aking pag-aaral dahil ito ang magdadala sa akin ng tagumpay. Sa pagsusunog ng kilay, makakamtan ko ang magandang buhay na aking inaasam, hindi lamang para sa akin kundi pati na rin sa aking pamilya. Dito, maaari akong makapag tapos ng may karangalan na habang buhay kong maipagmamalaki. Matutupad ko ang aking pangarap na maging isang nurse at marami akong matutulungan na tao lalo na ang mga taong nahihirapan. Marami man ang magiging hadlang gaya ng kakulangan ng pera, masamang impluwensya mula sa mga kaibigan at mahirap na mga gawain, hindi ito sapat para talikuran ko ang aking pag-aral. Maraming oportunidad at trabaho ang darating sa aking buhay, dito ako matututo at uunlad bilang isang tao.  

Ang aking bawat tagumpay ay iaaalay ko hindi lamang sa aking sarili, kasama dito ang aking pamilya at ang mga taong naniniwala sa akin. Maiaangat ko ang buhay ng aking pamilya, mabibigay ko ang kanilang mga pangangailangan at taos puso akong mag papasalamat sa kanila kahit na alam kong hindi ito sapat sa lahat ng sakripisyo  nila sa pagtratrabaho para lang maitawid ang aking pag-aaral. Hindi ko hahayaan ang anumang hadlang sa aking buhay. Patuloy akong magsusumikap, dahil alam ko na sa bawat hakbang na aking tatahakin, papalapit ako sa tagumpay na nais kong makamit. 

Sa edukasyon, hindi basehan ang pagkuha ng maraming medalya, mataas na marka o pagtatapos ng kolehiyo. Naka batay rin ito sa mga aral na natututunan sa bawat pagkatalo at tagumpay ng isang tao.  Kasabay dito ang kanilang mga karanasan na nagbibigay sa kanila ng dagdag kaalaman at lakas. Ang sakripisyo ng aking pamilya, ang bawat hirap na dinadanas ko at ang mga natututunan ko sa bawat pagbangon ko mula sa pagkatalo ay bahagi ng aking paglalakbay sa buhay. 

Sa huli, ang edukasyon ay isang biyaya na hindi matutumbasan ng kahit anong materyal na bagay. Ito ay ang nagbubukas ng pinto para sa mas maganda at maayos na kinabukasan. Hindi ako magtatagumpay kung agad akong susuko sa hamon ng buhay, kailangan nito ng sipag, tiyaga at tamang edukasyon, tiyak na maaabot ko ang aking mga pangarap. 

 

 

No comments:

Post a Comment

Suring-Aklat: Taste of Blood

Taste of Blood Sta. Lucia High School    # 30 Tramo St. Rosario Village, Sta. Lucia, Pasig City          Taste of Blood     ni Knight in B...