Mga Pagsubok niya sa Buhay
Isang bata ang isinilang sa isang ospital sa caloocan noong Mayo 12 taong 2007. Isa siyang malusog na bata na nagngangalang Leni Fatima Rico. Malamang nagtataka kayo kung bakit wala siyang gitnan pangalan. Si Fatima ay kinupkop, inalagaan at itinuring ng anak ng pinsan ng kaniyang ina. Siya ay lumaki ng mayroong pagtataka at duda, pilit na tinatanong kung bakit walang ama’t ina. Inggit ang kaniyang nadarama, patak ng mga luha salo ng kaniyang unan at kama.
Nalaman ng bata na pumanaw na ang kaniyang ina, saglit lang nakasama ang Ama at nawala na rin ito sa kaniya. Masakit para kay Fatima ngunit ito ang nagsilbing motibasyon sa kaniya. Dahil dito nag-aral siya nang mabuti, nagkaroon ng mga medalya at sertipiko na maipagmamalaki. Balang araw ay pangarap niya maging nurse, tutulungan ang mga nahihirapan at nangangailangan. Malaking pasalamat sa mga taong tumulong sa kanya. Sino nga ba ang tumutulong at nagsisilbing motibasyon niya? Ito ang kaniyang mga lola, tito at tita na nag-aalaga sa kaniya. Noon, nais siyang ipaglaglag ng kaniyang ina dahil sa takot na walang susuporta at gagabay sa kaniya, ngunit nabago ito dahil dumating ang kaniyang tita. Sila ang nagturo kay Fatima ng mga tama at mali, kapag siya ay nagkakamali ay hindi nila ito tinitignan bilang negatibong bagay bagkus ginagawa nila ito bilang aral sa kaniya. Kasama niya ang mga ito maging sa lungkot man o saya, tagumpay man o pagkabigo.
Kahit may kirot sa kaniyang puso tuwing nakakakita ng buong pamilya, laging iniiisp ni Fatima na maswerte pa rin sya dahil may mga taong nakapaligid sa kaniya at ginagabayan sya. Dahil dito sinisikap nya na makapag tapos ng pag-aaral at makapag trabaho para sa hinaharap para masuklian nya ang lahat ng hirap at sakripisyo ng kaniyang Tita at mga Lola. Sila ang nasa likod ng lahat ng tagumpay ni Fatima, hindi nya makakalimutan ang mga taong kaniyang naging inspirasyon na nagdala sa kaniya sa tagumpay ng buhay.