Saturday, January 25, 2025

Dagdag na Sulatin: Kanser ng Lipunan

 Kanser ng Lipunan

               Illustrator: Warren Espejo


Marahil napapaisip ka kung ano at sino ang tunay na kanser ng lipunan. Ito ang masalimuot na suliraning ng mga mamamayan na hindi kayang masolusyonan. Isa na dito ang mga tiwaling opisyal ng gobyerno na inuuna ang pansariling interes, pera at kapangyarihan kaysa sa kapakanan ng kanilang nasasakupan. Ang ganitong kalakaran ang nagiging ugat ng kahirapan, kawalan ng hustisya at mabagal na pag usad ng ating bansa. 

Ngunit saan nga ba nagsisimula ang problemang ito? Sa pangako? Sa pangako na patuloy na napapako. Sa matatamis na salita ng mga politiko na kailan man ay ‘di natutupad kapag sila ay binoto. Mga plataporma  na maganda lang pakinggan, ngunit palpak sa aktwal na implementasyon at gawa. Patuloy na lang ba mag bubulag-bulagan ang mga tao? Hanggang kailan mananatiling tahimik sa kabila ng paulit-ulit na pagkabigo 

Mahalagang  suriin ang plataporma ng mga kandidato at kanilang kredibilidad bago ibigay ang buong tiwala. Hindi sapat na magpadala sa mga perang pakimkim o pansamantalang benepisyong ibinibigay nila bago ang eleksyon. Responsibilidad nating mamamayan ang matalino at maingat na pag boto, dapat na bigyang pansin sapagkat ang maling pagpili ay direktang makaaapekto  sa kinabukasan ng bawat isa. 

Kailangan na kilalanin ang mga tumatakbong opisyalBigyang pansin ang kanilang track record at mga nagawa na sa komunidad. Hindi rin basehan ang pagiging sikat para lamang iboto. Minsan, ang mga hindi kilalang pangalan ang tunay na may malasakit at kakayahang gumawa ng pagbabago. Maaari nating bigyan ng pagkakataon ang mga kandidatong may integridad, kahit hindi sila kasing sikat ng iba. 

Sa huli, ang tamang pagboto ang susi sa pag-angat ng ating bayan. Sa bawat pagmarka sa balota, ipinapakita natin na tayo ay may paninindigan at nagnanais ng mas maayos na lipunan. Ang pagboto ay hindi lamang karapatan, ito rin ay isang tungkulin at responsibilidad para sa kinabukasan ng ating bansa. 

Huwag iboto ang mga buwaya, doon tayo sa may malasakit, tayo’y magiging maunlad at malaya! 

No comments:

Post a Comment

Suring-Aklat: Taste of Blood

Taste of Blood Sta. Lucia High School    # 30 Tramo St. Rosario Village, Sta. Lucia, Pasig City          Taste of Blood     ni Knight in B...