Saturday, January 25, 2025

Sulatin Bilang 6: “Ang buhay ay parang gulong, minsan nasa ibabaw, minsan nasa ilalim.”

"Ang Buhay ay parang gulong, minsan nasa ibabaw, minsan nasa ilalim"


Bawat isa sa atin ay may iba’t-ibang kapalaran at oportunidad. Sa pamamagitan ng mga ito, maaaring makamit ang magandang buhay. Ngunit hindi sa lahat ng oras ikaw ang una, ikaw ang pinakamagaling, o ikaw ang tinitingala. Maaari kang magsimula sa ilalim, kung saan wala kang sapat na kaaalaman, kasanayan at hindi pa naaaabot ang rurok ng tagumpay. Gaya nga ng sabi ng BINI, “Di kailangang magmadali para magwagi”. Kung ikaw ang papipiliin, nais mo bang nasa ibabaw o nasa ilalim? 

Mayroong kang mga pagsubok na kailangan daanan at mga problemang kailangan solusyonan. Sa bawat hamong hinaharapnatututo tayo, nadaragdagan ang kaalaman at napapalakas ang ating loob. Ang tagumpay ay bunga ng pagsisikap, habang ang bawat pagkatalo ay ang pagbubukas ng pagkakataon upang matuto at bumangon muli. “Dahan-dahan lang, buhay ay ‘di karera,” sabi nga ng BINI, na ipinapaalala sa atin na ang bawat hakbang patungo sa tagumpay ay may tamang panahon. 

 Ngunit hindi ibig na laging pagsubok ang ating mararanasan. Tulad ng gulong ng buhay, tayo rin ay makakaranas na maging una, magaling at tinitingala. Sadyang may mga nauuna, umuunlad at agad napupunta sa taas. Subalit, hindi naman mahalaga kung gaano ka kabilis umangat, kundi kung paano ka mananatili sa rurok ng tagumpay nang may kababaang loob at malasakit sa ibang tao.  

 Ang tagumpay  ay hindi nasusukat sa kung ano ang posisyon mo sa buhay, kundi sa kung paano mo nalampasan ang hamon sa buhay at kung paano ka nagsisilbing inspirasyon sa iba. Mahalaga ang pagiging matatag at pursigido upang  maabot ang iyong mga pangarap, kahit pa maraming pagsubok ang hahadlang. 

 Magpapatuloy ka pa ba sa kabila ng lahat ng pagsubok sa buhay? Handa ka bang harapin ang mga ito upang makamtan ang minimithing tagumpayTandaan, walang mahirap na gawain kung ikaw ay magpupursigi. Sa huli, ikaw pa rin ang magtatakda ng sarili mong kapalaran. 

No comments:

Post a Comment

Suring-Aklat: Taste of Blood

Taste of Blood Sta. Lucia High School    # 30 Tramo St. Rosario Village, Sta. Lucia, Pasig City          Taste of Blood     ni Knight in B...